Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Gurad (PCG) sa Zamboanga ang tinatayang kalahating milyon pisong halaga ng shabu.
Nakumpiska ang mga ilegal na droga sa loob ng Zamboanga Integrated Port sa Zamboanga City.
Pawang mga tauhan ng Coast Guard Zamboanga at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Zamboanga Police Station 6 ang nagsagawa ng joint buy-bust operation.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa suspek na si Jeanelyn Sinining, residente ng Brgy. Upper Calarin, Zambonga City.
Nakuha sa kaniya ang 13 medium size at 1 large size ng plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nasa 82 grams ang bigat nito at tinatayang nagkakahalaga ng P557,000.
Ayon sa suspek, galing ang ilegal na droga sa isang pasahero ng cargo Motor Vessel na Bounty Cruiser na dumating sa Port of Zamboanga City galing Jolo, Sulu.