Paglipat ng suporta ng ilang taga LP kay Duterte, kinumpirma

 

Inquirer file photo

Kinumpirma ni Mayor Rodrigo Duterte ang paglipat ng ilang taga Liberal Party sa kanilang partido at aniya hindi na ito dapat ikagulat pa.

Ayon kay Duterte, patunay lamang ito na malakas ang political unity sa Region 11 gaya na lamang sa Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Orienteal, Compostela Valley at Davao City.

Malinaw anya na suportado ng mga kapwa niya taga-Mindanao ang kanyang presidential bid.

Kasabay nito, sinabi ni Duterte na simula sa susunod na buwan o sa Enero, uumpisahan na niya ang pangangalap ng pondo para sa kanyang poll campagn.

Nitong nakaraang Biyernes, naghain na ng kanyang certificate of candidacy si Duterte upang tuakbo bilang Presidente sa 2016 national elections.

Read more...