Abu Sayyaf member nasukol sa ospital

 

Mula sa Google Maps

Nahuli ng mga operatiba ng Joint Intelligence Unit ng Joint Task Group Sulu at ng Jolo Police sa pamumuno ni Police Superintendent Junpikar Sitin ang isang miyembro ng Abu Sayyaf habang nagpapagaling sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) Hospital sa Asturias Street, Jolo, Sulu Sabado ng hapon, Nobyembre 28.

Naka-confine si Kadaffy Kamsa sa naturang ospital matappos mag head-on collision ang sinasakyan nitong motor sa isa pang motor Biyernes ng hapon, Nobyembre 27. Agad namang nakatakas ang mga kasamahan nito na sina Badong Kamsa at Nixon Manda nang mamataan ang mga maykapangyarihan sa ospital.

Si Kamsa ay tinataguriang kilabot pagdating sa kidnap-for-ransom activities na ginagamit umano ng grupo nina ASG sub-leader Alhabsy Misaya at Angah Adji sa kidnapping activities sa Tawi Tawi at Malaysia. May outstanding warrant of arrest din si Kamsa para sa kasong illegal possession of firearms and reckless imprudence resulting in serious physical injury.

Read more...