Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naganap ang lindol sa 275 kilometers southeast ng Sarangani, alas 5:23 ng umaga ng Martes, March 12.

May lalim na 5 kilometers lang ang lindol at tectonic ang origin nito.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng nasabing pagyanig.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...