Nasabat ng mga tauhan ng Customs and Border Protection ng Estados Unidos ang nasa mahigit 1,400 na kilo ng cocaine o tinatayang nasa 3,200 pounds.
Ayon sa mga otoridad, maituturing itong pinakamalaking cocaine seizure sa mga pantalan sa Amerika sa nakalipas na 25-taon.
Sakay ng shipping container ang mga ilegal na droga na ipinasok sa US galing Buenaventura, Colombia noong nakaraang buwan at tinatayang aabot sa $77 million ang street value.
Ang kargamento ay nadisukbre sa port of Newark at nang buksan ang container van ay natuklasan ang 60 packages na naglalaman ng kulay puti na powdery substance at kalaunan ay nagpositibo bilang cocaine.
Nakahalo ang mga cocaine sa mga dried fruits.
Patungo sana sa Belgian City sa Antwerp ang barkong nagkakarga sa container van.
Inaalam pa kung ang mga cocaine ay layon talagang ibababa sa US o dadalhin sa Europa.