Isa ito sa mga plano na gustong ipatupad ng mambabatas na tumatakbo rin bilang alkalde ng lungsod.
Sa ‘Kapihan sa QC’, sinabi ni Crisologo na tanging ang QC na lamang ang walang airconditioned multi-purpose center na pwedeng gawing basketball court.
“My plan is to build (an) auditorium there, tayo na lang walang auditorium. Airconditioned na multi-purpose na pwedeng basketball court, lahat meron na,” ani Crisologo.
Naniniwala ang kongresista na kailangan lang na magsagawa ng ‘replanning’ para mapaganda ang QCMC.
“It’s a big space ano, kulang lang sa planning. Kasi ang nangyari noon, may maisipan sila tayo rito, may maisipan sila tayo roon. There is no general planning. So I think we should replan the circle,” dagdag ng mambabatas.
Nangako naman si Crisologo na magiging patas ang pagrerenta sa QCMC sa gitna ng isyung mataas ang renta ng mga umuupa dito.