Miyembro ng “Joshua Bahar Group” at Sputnik Gang patay sa engkwentro sa Tondo

Patay matapos makipagbarilan sa mga elemento ng Raxabago Police Station-1 ang isang noturyos na pusher sa Tondo, Maynila.

Naganap ang enkuwentro sa pagitan ng mga otoridad at ng suspek na si Adonis Capatulan, 30 anyos sa Bldg. 33 Unit 80 Aroma Temporary Housing sa Tondo.

Nabatid na miyembro ng Joshua Bahar Group at sputnik gang ang suspek na residente ng Temporary Housing Compound, Brgy. 105, Tondo Manila.

Narekober sa operasyon ng Anti-Crime Unit ng Police Station-1 ang mga sumusunod:

• Dalawang (2) .45 caliber pistol,
• Dalawan (2) .38 caliber Revolver
• Isang (1) MK2 military type fragmentation hand grenade (atis type)
• Dalawang(2) sets ng PNP uniform na may logo ng NCRPO at MPD
• Tatlong (3) small heated transparent plastic sachet na naglalaman ng ‘shabu’

Read more...