LOOK: Water level sa La Mesa Dam ngayong alas 6:00 ng umaga ng Martes, Mar. 12

Nabawasan pa ang water level sa La Mesa Dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa inilabas na datos ng Pagasa Flood Forecasting and Warning Section, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes (Mar. 12) ay nasa 68.85 meters ang water level ng La Mesa Dam.

Mas bumaba pa ito kumpara sa 68.93 meters alas 6:00 ng umaga kahapon, Lunes.

Ang Angat Dam naman na nagsusuplay din ng tubig La Mesa Dam ay mayroong 200.28 meters na water level.

Bahagya din itong bumaba mula sa 200.59 meters kahapon pero malayo pa sa low level.

Read more...