3 arestado sa buy-bust operation sa Makati

Tatlong lalaki ang arestado sa ikinasang buy-bust operation sa isang hotel sa Guadalupe Nuevo sa Makati City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga.

Ayon kay Sr. Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police, ikinasa nila ang operasyon laban sa 30 anyos na si Jay Fermin na dati nang naaresto sa kasong frustrated murder.

Sa hotel umano nagsasagawa ng transaksyon ang grupo ni Fermin.

Maliban kay Fermin, arestado din ang kaniyang runner at ang driver ng grupo.

Read more...