596th game sa PBA naitala ni LA Tenorio

Walang makapipigil sa karera ni LA Tenorio sa PBA matapos ang higit isang dekada.

Ito ay makaraang maitala ng 34 anyos na manlalaro ang kanyang 596th game para tapatan ang record ng PBA legend na si Alvin Patrimonio sa most number of consecutive games played.

Sa Twitter post ng chief statistician ng PBA na si Fidel Mangonon, ipinaabot nito ang pagbati kay LA Tenorio sa kanyang ika-596 na sunud-sunod na laro.

Wala anyang napalampas na laro si Tenorio mula ng pumasok sa PBA taong 2006.

Kasabay ng naitalang record noong Linggo, pinatunayan din ni Tenorio na isa pa rin siya sa best players ng PBA matapos tulungan ang Gin Kings na pataubin ang Phoenix Petroleum sa iskor na 100-97.

Nagtala ang basketball player ng game-high na 23 points, eight rebounds, five assists para sungkitin ang ikaapat na panalo ng Ginebra sa pitong laro.

Inaasahang matatalo na ni Tenorio ang record ni Patrimonio sa kanilang nakatakdang laban sa Magnolia.

Ang Magnolia ang katangi-tanging franchise kung saan naglaro si Patrimonio.

Si Patrimonio na four-time MVP ay kasalukuyang team manager ng Magnolia Hotshots.

Read more...