Ayon kay Sta. Cruz Tourism officer Julius Paner, ito ay bunsod ng epekto ng El Niño.
Nais aniya ng pamahalaang lokal ang agarang implementasyon ng closure order para maiwasan ang forest fire sa bundok at maprotektahan ang mga mountaineer laban sa matinding init ng panahon.
Hahayaan naman aniya ang mga maagang nakapag-book ng tour sa Mount Apo hanggang March 31.
Samantala, hindi pa tiyak ang petsa kung kailangan tatanggalin ang temporary closure order dahil pagbabasehan ng pamahalaang lokal ang abiso ng PAGASA ukol sa El Niño.
MOST READ
LATEST STORIES