3 lalaki hinihinalang nasa likod ng pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City

Courtesy of AJ Malingin

Hinahanap na ng mga awtoridad ang tatlong lalaki na sinasabing nasa likod ng karumal-dumal na pamamaslang sa isang 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City.

Ang biktimang si Christine Silawan ay natagpuan na walang buhay, tadtad ng saksak, walang saplot pang-ibaba at binalatan din ang kanyang mukha.

Ayon kay Lapu-Lapu City Police Chief Police Colonel Lemuel Obon, tatlong lalaki ang huling namataan na kasama ni Silawan bago ito natagpuang patay.

Mayroon anyang mga testigo na nakakita sa tatlong lalaki kasama ang biktima.

Sa ngayon ay tinutugis na ang kinaroroonan ng mga ito.

Samantala, sinabi ni Obon na posibleng nagahasa nga ang biktima ngunit kailangan pang makita ang official findings ng medico-legal.

Posible rin anyang nasa impluwensya ng iligal na droga ang mga salarin dahil sa pagiging brutal ng krimen.

Read more...