ICC muling binuweltahan ng Malacañang sa isyu ng EJKs

AP

Naniniwala ang Malacañang na nilalabag ng International Criminal Court (ICC) ang sarili nitong mga panuntunan sa ginagawang imbestigasyon ng crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang palutangin ng nasabing grupo na nauwi na sa extra judicial killings ang kanyang anti-drug war campaign.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa una pa lamang ay wala nang jurisdiction ang ICC na imbestigahan ang Pilipinas dahil kailanman ay hindi naging miyembro ang bansa sa Rome statute na nagtatatag sa nasabing grupo.

“We said from the very beginning, we were not under its jurisdiction. That letter was only to inform them as a matter of courtesy that excuse us, we have not been under your jurisdiction from the very start” paliwanag ng kalihim.

Ipinupunto pa ni Panelo na maari lamang makapagpatuloy ang ICC sa preliminary investigation kung hindi pa nagwiwithdraw ang isang bansa ng kanyang membership.

Sa kaso aniya ng ICC, nasa preliminary examination pa lamang ang kanilang hanay ngayon.

Sa March 17 magiging epektibo na ang withdrawal ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Read more...