Immigrations officers sa NAIA binalasa sa pwesto

Inquirer file photo

Nagkaroon ng reshuffling ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay bahagi ng polisiya ng ahensya laban sa korapsyon para mas mapagbuti ang serbisyo sa mga bumibiyahe na nasabing paliparan.

Ayon kay B-I port operations chief Grifton Medina, mahigit-kumulang dalawampung immigration supervisors at intelligence officers ang apektado ng reshuffling sa tatlong terminal ng NAIA.

Ani Medina, inilibas ni B-I Commissioner Jaime Morente ang direktiba noong nakaraang linggo matapos aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng B-I na huwag isama ang ahensya sa ban ng paglilipat ng mga government worker ngayong panahon ng eleksyon.

Read more...