Nilinaw ng Maynilad na hindi sila nagpapatupad ng operational adjustments sa kanilang mga nasasakupang lugar kaugnay sa pagbaba ng tubig sa La Mesa Dam.
Sa kanilang pahayag, sinabi ni Madel R. Zaide, media relations manager ng Maynilad Corporate Communications, Commercial and Marketing Division na hindi ang La Mesa Dam kundi ang Angat Dam ang kanilang pinagkukunan ng raw water.
“There has been no service interruptions in the West Zone concession of Maynilad due to a supply shortage. Maynilad has enough supply to sustain the needs of its customers until the summer months, as long as NWRB does not reduce the raw water allocation of Metro Manila from the Angat Dam”, ayon pa kay Zaide.
Sa kasalukuyan ay nananatiling sapat ang suplay ng tubig ng Maynilad mula sa Angat Dam ayon pa sa pahayag ni Zaide.