Intelligence coordination sa iba’t ibang bansa, dapat palakasin

AFP logoNapapanahon na para paigitingin ang koordinasyon ng intelligence operation ng Pilipinas at ng foreign intelligence agencies.

Ito ang sinabi sa Radyo Inquirer ni Senador Antonio Trillanes IV sa harap ng lumalawak na operasyon ng mga teroristang grupo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Magagamit aniya ang intelligence fund para pag-ibayuhin ang pangangalap ng impormasyon ng mga kinauukulan katulad halimbawa ng kung sinu-sino ang mga nasa watchlist sa iba’t ibang mga bansa at pagtukoy sa mga umuusbong na radikal na grupo na maaring kumalaban sa estado.

Sa katunayan,sinabi ni Trillanes na ipinapanukala niya na dagdagan ng P10-bilyong pondo ng Armed Forces of the Philippines, pero malaking bahagi aniya nito ay napunta lamang sa pagbili ng mga bagong kagamitan ng mga sundalo at hindi sa intelligence.

Marapat din aniyang palakasin ang barangay intelligence network dahil sila ang mas nakakaalam at nakakikilala sa mga tao sa kanilang nasasakupan.

Read more...