LOOK: Pulis na isa ring nurse, tumulong sa ginang na nanganak sa tricycle sa Negros Oriental

Isang pulis na isa ring registered nurse ang tumulong sa isang ginang na inabot ng panganganak sa tricycle sa Negros Oriental.

Sa post sa Facebook ng Zamboanguita Police Station, lumalahok sa isang Walk for a Cause ang pulis na si PO2 Shirley Banua sa bayan ng Basay.

Ang nasabing Walk for a Cause ay inorganisa ng Basay Local Government Unit kaugnay sa pagksawi ng mga mag-aaral ng Basay National High School na naaksidente sa bayan ng Zamboanguita habang sakay ng van.

Habang nagaganap ang aktibidad, nakarating sa mga otoridad ang impormasyon na isang ginang ang manganganak na sa tricycle sa harap ng Rural Health Unit ng Basay.

Agad nagtungo sa lugar si PO2 Banua para tumulong.

Kapwa naman maayos ang kondisyon ng ginang at kaniyang baby.

Read more...