Paggamit ng Boeing 737 Max na eroplano ititigil muna sa China

@EthiopianAirlines.PH photo
Ipinatitigil na muna sa mga Chinese Airline ang paggamit ng kanilang Boeing 737 Max airplanes matapos ang panibagong aksidente na kinasangkutan ng ganitong uri ng eroplano ng Ethiopian Airlines.

Patungong Nairobi ang Ethiopian Airlines 7373 Max 8 nang ito ay mag-crash ilang minuto pagkatapos ang take-off.

Ito na ang ikalawang insidente ng pagbagsak ng 737 Max na eroplano.

Tinatayang mayroong 60 na ganitong uri ng eroplano ang iba’t ibang airline companies sa China.

Nakatakda namang magpalabas ng pahayag at regulasyon ang Civil Aviation Administration of China hinggil sa usapin.

Read more...