Low hanggang no water supply na ipinatutupad ng Manila Water mararanasan sa buong summer – Manila Water

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 09:57 AM

Tatagal na sa buong summer season ang nararanasang low hanggang no water supply sa mga consumer ng Manila Water sa Metro Manila at mga bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ito ang sinabi ni Manila Water Communications Manager Dittie Galang sa panayam ng Radyo Inquirer sa gitna ng nararanasang kakapusan ng tubig ngayon sa maraming barangay sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.

Ayon kay Galang, buong summer season na tatagal ang ipinatutupad nilang contingency plan o hangga’t walang nararanasang mga pag-ulan

Sa ngayon ang tanging maipapangako aniya nila ay ang piliting maiwasan na may mga barangay na makararanas ng 24 na oras na walang suplay ng tubig.

Hindi pa kasi napupuno ang kanilang reservoir sa San Juan, dahilan kaya higit na apektado ang Mandaluyong at Pasig.

Panawagan naman muli ng Manila Water sa publiko, ipunin lang ang tubig na kailangan nila para sa isang buong araw dahil araw-araw naman ay may oras na sila ay magkakaroon ng tubig.

TAGS: dam, manila water, Radyo Inquirer, Water supply, dam, manila water, Radyo Inquirer, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.