13-oras na blackout naranasan sa buong probinsya ng Biliran dahil sa grassfire

Nakaranas ng 13 oras na blackout sa buong lalawigan ng BIliran dahil sa grass fire na naganap sa Leyte.

Nasunog ang damuhang bahagi ng Barangay Palarao sa Leyte, Leyte na nagdulot ng province-wide na blackout sa Biliran.

Ayon sa Biliran Electric Cooperative o Bileco, naapektuhan kasi ng grass fire ang mga poste ng kuryente sa lugar.

Nagsimula ang blackout sa buong Biliran alas 3:00 ng hapon ng linggo at alas 4:41 na ng madaling araw kanina nang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente.

Read more...