Trough ng LPA, nakakaapekto sa Silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa 4am weather update ng ahensya, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,010 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Mindanao.

Batay sa latest analysis ng PAGASA, mababa ang tyansa na pumasok ang LPA sa bansa at mababa rin ang tyansa na maging bagong bagyo.

Gayunpaman, nakakaapekto na ang trough ng sama ng panahon sa malaking bahagi ng Mindanao.

Ngayong araw, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa hanging Amihan.

Sa natitirang bahagi ng Luzon at buong Visayas ay maaliwalas at mainit ang panahon na may mababang tyansa ng pag-ulan.

Dahil sa trough ng LPA ay inaasahan ang biglaang buhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat sa Mindanao lalo na sa hapon o gabi.

Read more...