San Jose, Antique niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng San Jose sa lalawigan ng Antique.

Naitala ang pagyanig sa 34 kilometers Northwest ng San Jose alas 4:45 ng umaga ng Lunes, Mar. 11.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 36 kilometers.

Bunsod ng nasabing lindol, naitala ang Intensity IV sa San Jose City sa Antique.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...