Ayon sa hepe ng QCPD Station 7 Drug Enforcement Unit Police na si Senior Inspector Ramon Aquiatan, unang naaresto ang 43-anyos na isang drug surrenderee sa Brgy. E. Rodriguez.
Nabilhan ang naturang suspek ng P500 halaga ng bawal na gamot at nakuhaan ng 11 sachet ng hinihinalang shabu.
Sa Brgy. Socorro naman, arestado ang isang 17-anyos na lalaki matapos makuhaan ng limang nakarolyo ng papel na naglalaman ng hinihinalang marijuana at medium-sized na pakete na mayroon ding umano’y marijuana.
Aminado ang binatilyo na nagtutulak siya ng marijuana.
Nahaharap ngayon ang dalawa sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.