James Reid, umaming ‘living in’ na sila ni Nadine Lustre

Matapos ang mga ispekulasyon ay inamin na ng aktor na si James Reid na nagsasama sila sa isang bahay ng nobyang si Nadine Lustre.

Sa episode ng ‘Gandang Gabi Vice’ kagabi, tinanong si Reid tungkol sa kanyang relasyon kay Lustre.

Ani Reid, hindi niya maramdaman na tatlong taon na ang nakalilipas nang magsimula ang kanilang relasyon dahil parang napakabilis ng panahon.

Anya pa, ito na ang kanyang longest relationship.

Matapos ito ay inamin na ng aktor na nagsasama sila sa iisang bahay ni Lustre.

Suportado naman ni Vice Ganda ang dalawa sa pagsasabing totoo ang JaDine sa kanilang mga sarili.

Ani James, bagaman nagsasama sa isang bahay, mayroong mga pagkakataon na miss na miss nila ang isa’t isa dahil busy sila sa kani-kanilang mga proyekto.

Matatandaang taong 2017 pa nang umingay ang umano’y pagsasama ng real-life couple sa iisang bahay.

Read more...