M3.0 na lindol naitala sa Southern Leyte

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Southern Leyte alas-11:50 ng gabi ng Linggo.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong isang kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Hinundayan.

May lalim lamang na limang kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman inaasahang may pinsala sa mga ari-arian at aftershocks dulot ng pagyanig.

Read more...