Alas-3:00 ng Linggo ay dumausdos sa 68.9 meters ang antas ng tubig sa naturang dam, mas mababa ng 11.25 meters sa normal high water level na 80.15 meters.
Ayon sa panayam ng INQUIRER.net kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, posibleng sa loob lamang ng dalawang araw ay malampasan na ang naitalang pinakamababang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na 68.75 meters noong 1998.
Noon pang Biyernes ay pinakamababa na sa 12 taon ang antas ng tubig sa La Mesa Dam sa 69.16 meters na bumaba pa sa 69.10 meters alas-6:00 ng umaga ng Sabado at naging 69.02 meters na lamang alas-6:00 ng umaga ng Linggo.
Batay sa graph ng PAGASA, ang 69.02-meter level ay mababa kumpara sa kaparehong panahon noong 2017 at 2018 sa 79 meters at 76 meters.
Dahil dito nanawagan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga consumers ng tubig na magtipid lalo’t may El Niño ngayong taon.
Kasalukuyan nang nagpapatupad ng water service interruptions ang Manila Water dahil sa antas ng tubig sa La Mesa Dam.