P3.4M halaga ng shabu nasabat sa Maynila

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa buy bust operation sa Quiapo, Maynila hapon ng Linggo.

Ang shabu na may bigat na kalahating kilo ay isinilid sa pakete ng tsaa.

Naaresto sa nasabing operasyon ang isang 18-anyos na lalaki na miyembro umano ng isang grupo na konektado sa isang big-time Chinese drug syndicate.

Ayon naman sa suspek na nagpakilalang taga-Marawi City, iniabot lamang sa kanya ang kontrabando kapalit ng P5,000.

Posible namang may mas malaking sindikato sa likod ng kinabibilangang grupo ng suspek ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Read more...