39 na Aeta, dinala sa ospital dahil sa food poisoning

Itinakbo sa ospital ang 39 miyembro ng Aeta community sa Capas, Tarlac araw ng Sabado.

Ayon kay Capas Mayor Reynaldo Catacutan, dinala ang mga Aeta sa Tarlac Provincial Hospital matapos makitaan ng simtomas ng food poisoning.

Ani Catacutan, kumain ang mga Aeta ng pork adobo, pork barbeque at pork menudo sa ginanap na feeding program ng isang non-government organization mula Bulacan.

Nagmula ang mga Aeta sa Sitio Bethel sa bahagi ng Barangay Maruglo.

Read more...