Patay ang mga sakay na pasahero ng isang eroplano ng Ethiopian Airlines makaraang bumagsak sa bayan ng Bishoftu, araw ng Linggo.
Ayon sa ulat, patungo sana ang Boeing 737 Flight ET 302 sa Nairobi, Kenya.
Ayon sa airline company, lulan ng Boeing 737-800 MAX na may registration number ET-AVJ ang 149 na pasahero at walong crew member.
Lumipad ang eroplano mula sa Bole airport sa Addis Abba ganap na 8:38 ng umaga bago nawalan ng contact sa control tower bandang 8:44 ng umaga, 1:44 ng hapon sa Pilipinas.
Naglunsad naman ang airline company ng emergency hotline para sa mga kaanak at kaibigan ng mga biktima.
Binago ng airline company ang kanilang display photo sa official Facebook page.
Nagparating naman ng pakikiramay si Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi.