Namfrel, hinikayat ang Comelec na ilabas ang mga kandidatong lumabag sa campaign rules

INQUIRER Photo

Hinikayat ng National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) ang Commission on Elections (Comelec) na pangalanan ang mga kandidatong lumabag sa campaign rules.

Ayon kay Namfrel Secretary General Eric Alvia, dapat malaman ng publiko ang detalye ng paglabag ng mga kandidato.

Makatutulong aniya ito sa pagpili ng mga botante para sa 2019 midterm elections.

Dagdag pa nito, nais ng publiko na makita ang gagawing aksyon ng Comelec sa pagpapatupad ng kanilang mga batas sa eleksyon.

Read more...