Inabisuhan ng Department of Health sa Central Visayas ang puliko na maging maingat sa pagkain ng mga street food sa panahon ng tag-init.
Ayon kay Dr. Jaime Bernadas, director ng DOH-7, mabilis napapanis ang pagkain tuwing panahon ng tag-init.
Nagpaalala rin si Bernadas na ilagay ang pagkain sa loob ng refrigerator para maiwasan ang mabilis na pagkapanis nito.
Noong March 7, naitala ang 30.9 degrees Celsius sa Cebu ng PAGASA-Mactan.
Ito ang pinakamataas na temperatura sa Cebu ngayong taon.
MOST READ
LATEST STORIES