Dalawampu’t apat na aktibista ang isinailalim sa house arrest ng French authorities.
Ginawa ang house arrest sa mga aktibista ilang araw bago magsimula ang United Nation Climate Warming Talks sa Paris, France.
Ayon sa pahayag ng French Interior Ministry, ginawa ang house arrest sa mga aktibista bilang precautionary measure para sa COP21 Leader’s meeting.
Nag-iingat lamang ang French authorities matapos maganap ang French attack kamakailan kung saan mahigit isang daang katao ang nasawi.
Kabilang sa mga isinailalim sa house arrest ang dalawampung pinaghihinalaang lider ng Radical Opposition Movement.
Hindi papayagan ang dalawampu’t apat na aktibista na makalabas ng kanilang bahay hangga’t walang paalam sa mga pulis.
MOST READ
LATEST STORIES