Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard ang labing isa katao matapos lumubog ang isang cargo vessel sa karagatan ng Vigan City sa Ilocos Sur.
Ayon sa PCG, walong crew members na ng MV Fortune Life ang kanilang nare-rescue.
Nabatid na galing ng Kaoshiung sa Taiwan ang cargo vessel at patungo sana sa Sarawak sa Malaysia nang lumubog ito.
Sakay ng lumubog na cargo vessel ang tone-toneladang Mineral Feldspar.
Ipinadala na ng PCG ang BRP Pampanga para magsagawa ng search and rescue operation.
MOST READ
LATEST STORIES