Easterlies, magdadala ng maalinsangang panahon sa bansa

Easterlies pa rin o hanging galing sa Silangan ang umiiral sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon sa Pagasa weather advisory Linggo ng umaga, magdadala ang easterlies ng humid o maalinsangang hangin lalo na sa tanghali hanggang hapon.

Ngayong araw ay maaliwalas ang papawirin sa luzon at halos walang kaulapan kaya mababa ang tsansa ng pag-ulan gayundin sa ilang bahagi ng Visayas.

Sa Timog na bahagi ng bansa ay posible ang thunderstorms o pagkidlat pagkulog sa hapon o gabi.

Sa Bicol Region naman ay bahagyang maulap pero may tsansa rin ng thunderstorms sa hapon o gabi.

Habang sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay mababa rin ang tsansa ng pag-ulan at sa susunod na 24 oras ay maaliwas ang papawirin.

Read more...