87 sugatan sa pagsalpok ng barko sa isang balyena sa Japan

Credit: BBC.com

Hindi bababa sa 87 katao ang nasugatan sa pagsalpok ng isang barko sa isang balyena sa Japan araw ng Sabado.

Lima sa mga sugatan ang seryoso ang kundisyon.

Naganap ang insidente bago ang nakatakdang pagdating ng hydrofoil sa Sado Island matapos ang biyahe sa mainland.

Ayon sa Japan Coast Guard, tumama ang barko sa isang balyena na madalas na nakikita sa lugar.

Isang malaking impact umano ang nangyari, dahilan ng pagkasugat ng mga pasahero ng barko.

Nasira ang likurang bahagi ng barko na mayroong 121 pasahero at apat na crew.

Wala namang detalye ukol sa kudisyon ng balyena.

Read more...