Sinabi ng Department of Health (DOH) na kailangang pag-aralang mabuti ang panukalang paggamit sa marijuana sa medical use.
Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng pagbabagong-isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutol na siya sa paggamit ng medical marijuana.
Ito ay taliwas sa unang posisyon ng Pangulo na pwede ang medical cannabis.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kailangang may sariling pag-aaral ng gobyerno ukol sa paggamit ng medical marijuana.
Mungkahi ni Duque, pwedeng isagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Food and Drug Administration (FDA) at ibang kaukulang ahensya ng gobyerno ang pag-aaral.
Gayuman bilang doktor ay sinabi Duque na may patunay na epektibo ang marijuana sa medikal na gamit.
Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang House Bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.
Pero sa kanyang talumpati sa Negros Occidental ay kumambyo ang Pangulo at sinabing tutol na siya sa medical marijuana dahil hindi pa umano ito napapanahon.