Cam: Sunod na PCSO GM, hindi dapat militar

Nais ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam na hindi isang militar o dating opisyal ng militar ang magiging kapalit ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

Ayon kay Cam, hindi dapat ma-militarize ang PCSO gaya nang nangyari sa panunungkulan umano ni Balutan.

Sa ilalim anya ni Balutan ay bumaba ang kita ng PCSO dahil hindi umano masingil ni Balutan ang mga mistah na nagkaroon ng prangkisa para makapag-operate ng Authorized Agency Corporation.

Dagdag ni Cam, karaniwang mga mistah ni Balutan ang binibigyan ng prangkisa pero hindi naman umano nakakabayad kaya bumaba ang kita ng ahensya.

Si Balutan ay dating Marine general at miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983 na itinalaga ni Pangulong Rodrigod Duterte bilang PCSO general manager noong Setyembre 2016.

Read more...