13 patay sa pamamaril sa bar sa Mexico

Credit: Mexico News Daily

Hindi bababa sa 13 katao ang patay sa pamamaril sa isang bar sa Mexico.

Ayon sa pulisya, namaril ang grupo ng mga armadong lalaki sakay ng tatlong van sa La Playan Men’s Club sa syudad ng Salamanca.

Walang ibang detalye kung may ibang nasugatan sa pamamaril.

Wala ring ulat ukol sa pagkakilanlan ng mga namaril.

Ang insidente ay naganap kasunod ng malawakang opensiba ni President Andres Manuel Lopez Obrador laban sa local gang leader na si Jose Antonio Yepez na kilala bilang “El Marro.”

Ang lugar kung saan naroon ang bar ay nasa Guanajuato state na bahagi ng industrial area ng bansa at isa sa mga pinakamarahas na rehiyon sa bansa.

Read more...