1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Passi, Iloilo

Dead on the spot ang isang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa na sakay ng tricycle nang pagbabarilin sila ng tatlong suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Passi City, Iloilo Sabado ng umaga.

Patay si Afrantes Alarilla at sugatan sina Lodovico Claridad at Joebert Mandate.

Nabatid na habang bumibyahe sa Barangay Dalicanan, nag-overtake ang motorsiklo sa tricycle.

Pagkatapos ay pumarada ang motorsiklo at biglang pinaputukan ang tricycle.

Iniimbestigahan ng pulisya ang anggulong road rage o posibleng away-trapiko ang dahilan ng pamamaril.

Pagewang-gewang umano ang takbo ng motorsiklo kaya aalamin din kung lasing ang nagmamaneho nito.

Read more...