MRT 3 nagpaliwanag sa pagbukas ng pinto ng isang tren

Ilang minutong naantala ang biyahe ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3) nang biglang bumukas ang pinto sa unahang bagon sa pagitan ng Quezon Avenue at GMA Kamuning Stations Sabado ng hapon.

Sa paliwanag ng MRT 3, alas 4:51 ng hapon nang mag-trigger ang automatic stop sensor ng tren.

Nang inspeksyunin ng driver, nalaman na bukas ang pinto at iniimbestigahan pa rin ang dahilan nito.

Naisara ng driver ang pinto alas 4:58 ng hapon.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Paalala ng MRT 3, iwasan ng mga pasahero na sandalan ang mga pinto at lalong huwag pilitin o pwersahing buksan ito lalo na kapag umaandar ang tren.

Read more...