Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, epektibo sa Martes

Ipapatupad ang isa na namang price adjustments sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, March 12.

Narito ang tinatayang paggalaw sa presyo ng petrolyo:

Gasolina: Dagdag P0.90-P1.00/litro

Diesel: Bawas na hanggang P0.10/litro

Kerosene: Walang paggalaw

Mula umpisa ng taong 2019, nasa mahigit P6 na ang itinaas sa presyo ng diesel.

Habang mahigit P5 naman ang nadagdag na sa presyo ng gasolina at mahigit P4 sa kerosene.

Ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa world market at sa resulta ng kalakalan hanggang araw ng Biyernes.

Read more...