Sinabi ni PLDT chair and CEO Manuel V. Pangilinan na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Huawei ng China hingil sa nasabing isyu.
Magugunitang noong nakalipas na linggo ay binalaan ni US Secretary of State Mike Pompeo ang mga telecom firms sa bansa kaugnay sa kanilang pinasok na partnership sa nasabing Chinese telecom equipment supplier.
Ang Huawei ay matagal nang pinagbawalan ng US na pumasok sa kanilang bansa.
Sinabi ng US State Department na nagbibigay ng ilang mga vital informations ng kanilang mga kliyente sa pamahalaan ng China ang Huawei.
Dahil dito ay posible umanong makompromiso ang ilang impormasyon pati na ng mga US companies sa bansa.
Ang Huawei ay ang supplier ng ilang telecom hardware ng PLDT/Smart at Globe.
Ayon kay Pangilinan, “We told Huawei that we must together address those concerns that have been raised by the US government.”
Bukod sa Huawei, partner rin ng PLDT/Smart ang Ericsson ng Sweden sa paghahanda para sa full-operations ng 5G techonology sa Pilipinas.
Ang Globe naman ay kinuha rin ang serbisyo ng Nokia para sa nasabing data connection technology na gagamitin sa mga susunod na buwan.