Pulis na sangkot sa extortion huli sa loob ng presinto

Naaresto na ang pulis na wanted sa kasong robbery-extortion.

Bitbit ang warrant of arrest nadakip si PO2 Edgar Santos dakong ala-1:30 ng madaling araw sa headquarters ng Eastern Police District.

Mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang humuli kay Santos.

Ang nasabing pulis ay nakaduty bilang miyembro ng EPD roving patrol nang ito ay maaresto.

Si Santos ay wanted sa pangongotong ng P100,000 mula sa kanyang biktima sa Marikina City noong 2018.

Ang pulis ay dinala na sa PNP Counter Intelligence Task Force Headquarters sa Camp Crame para sa kaukulang imbestigasyon.

Read more...