Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ang northeast monsoon o hanging Amihan ay umiihip lang sa extreme northern Luzon.
Ngayong araw, maalinsangan ang panahon at mababa ang tyansa ng pag-ulan sa Luzon maliban sa Bicol Region na may posibilidad ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa epekto ng Easterlies.
Sa Western at Central Visayas maalinsangan ang panahon na may mababang tyansa ng pag-ulan.
Sa Eastern Visayas at buong Mindanao ay may posibilidad din ng mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na posibleng magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar.
Wala namang namamataang sama ng panahon ang PAGASA na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.