Dealer ng high-grade marijuana, arestado sa Rizal

Arestado ang isang dealer ng high-grade marijuana o kush sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Organized Transnational Crime Division sa Cainta, Rizal.

Idedeliver na sana ng suspek ang sachet ng kush nang maharang ito ng mga otoridad.

Nakuha sa dealer ang 36 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P36,000.

Sa bisa ng search warrant ay hinalughog ang bahay ng suspek sa Barangay San Isidro at may nakuha pang kush, drug paraphernalia, liquid marijuana, marijuana capsule at bulto ng marijuana.

Isinailalim sa inquest proceedings ang suspek.

Aminado naman ang magulang ng tulak na alam nila ang gawain ng anak pero hilig umano ito ng suspek.

Read more...