2,000 foreign workers, kailangan sa Croatia

Nangangailangan ang bansang Croatia sa Europe ng mahigit 2,000 na mga dayuhang manggagawa

Ayon sa Philippine Association of Service Exporters (PASEI), nangunguna sa in-demand ang hospitality worker.

Nasa hospitality sector ang karamihan sa kailangan kabilang ang waiter, room attendant at assistant cook.

Halos P50,000 o 800 euros ang posibleng sweldo depende pa sa karanasan sa trabaho ng foreign worker.

Kailangan din ng bansa ang mga high-skilled construction workers gaya mason, welder at plumber.

Nagbabala naman ang grupo laban sa mga illegal recruiters at pinayuhan ang mga nais mag-apply na sa kaukulang ahensya ng gobyerno lamang makipag-ugnayan para sa naturang mga job vacancy.

Read more...