Tricycle driver at motorcycle rider patay dahil sa karerahan sa Sultan Kudarat

Facebook video screengrab

Nasawi ang isang driver matapos masalpok ang tricycle nito ng motorsiklong nakikipag-karerahan sa highway sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sa isang Facebook video ay mapapanood ang karerahan ng mga motorsiklo. Sa gitna ng karera at exhibition ng mga motorsiklo ay nasalpok ang tricycle na bumabagtas sa highway.

Nabangga ng motorsiklo ng rider na si Pairudin Makong ang tricycle na minamaneho ni Rodrigo Combatir Jr.

Kapwa patay ang tricycle driver at rider ng motorsiklo.

Ayon kay Sr. Insp. Rissa Santos, tagapagsalita ng Isulan Police, walang makasuhan dahil parehong namatay sina Makong at Combatir.

Pero tinutukoy ng pulisya ang grupo ng rider at kapag napatunayan na iligal ang karera ng mga motorsiklo ay pwedeng mapanagot ang grupo ni Makong.

Read more...