M4.1 na lindol yumanig sa North Cotabato

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng North Cotabato alas-10:48 Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong limang kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Carmen.

May lalim itong 16 kilometro ay tectonic ang dahilan.

Naramdaman ang Intensity II sa Kidapawan City.

Hindi namang inaasahang nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...