Droga, baril at granada nakumpiska sa electrician sa Caloocan

Norther Police District photo

Nakuhanan ng mga operatiba ng Caloocan City Police ng shabu, mga baril at hand grenade ang isang electrician sa Caloocan City.

Ayon sa Northern Police District (NPD), arestado ang suspek na si Ramon Meraña, 32 anyos.

Timbog ang suspek sa bahay nito sa Barangay 77, Caloocan City.

Inaresto ito base sa search warrant na inilabas ni Executive Judge Remigio Escalada ng Regional Trial Court Branch 123 sa Caloocan City.

Nakuha kay Meraña ang isang kalibre .45 colt, isang magazine at 6 piraso ng live ammuniton para sa naturang baril; isang kalibre .38 revolver at 5 piraso ng live amunition para sa nasabing baril, isang hand grenade, transparent ziplock na may lamang 3 packs ng hinihinalang shabu.

Read more...