Ayon kay DFA Assistant Secretary Elmer Cato, ikinalungkot nila ang pagtrato ng DFA employee kay Manila Standard reporter Macon Ramos-Araneta.
Sa kanyang Facebook post ay inilahad ni Araneta ang naranasan niya sa kamay ng empleyado ng DFA sa kabila ng pagkakaroon niya ng polio.
Sinabi ng reporter na hinihingi ng hindi pinangalanang DFA employee ang kanyang original PWD ID bilang patunay na may kapansanan ito.
Ikinatwiran umano ng empleyado ng ahensya na hindi niya kasi nakita na may polio si Araneta dahil nakaupo siya sa kanyang pwesto.
Kasunod ng pagtanggal sa DFA employee ay tiniyak ni Cato na hindi na mauulit ang naturang insidente.
Una nang humingi ng paumahin si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin at sinabi nito na nais niyang hindi na maulit ang ipinakitang ugali ng empleyado.